Transacting with Airlines and Travel Agencies

Ehem… for those of you my readers who can’t or won’t be able to understand anything below, its okay, don’t read. That means’s this is not for you… and there’s nothing to miss. Promise!

Maiba naman… pipilitin kong isulat ito sa ating sariling wika sa dalawang kadahilanan – 1) para maintindihan ng marami dyan sa tabi-tabi, at 2) para di maintindihan ng mga banyaga dahil maraming mga nakakahiya akong napag-alaman na tatalakayin dito. Okay ha?! Simulan natin…

Airline Ticket Office / Travel Agency
Opo alam nating lahat, doon tayo bumibili ng ticket para makasakay ng eroplano. Madaling mahanap yan dahil meron mga naka-display na logo ng mga airlines. Kaso po, hindi lahat ng meron malalaking logo ng mga airlines na yan ay mga sariling ticket office nila. Karamihan nyan ay tinatawag na Travel Agency. Pinapayagan silang mag-benta ng ticket kahit hindi sila mga empleyado ng airline. Parang cellphone load kumbaga. Pwede ka po magpa-load dyan sa tindahan ng kapitbahay nyo pero hindi ito nangangahulugan na empleyado sila ng Globe, Smart or Sun.

Things to watch-out for on buying tickets from Travel Agencies
Una, kung domestic ang ticket na bibilhin mo sa travel agency, kadalasan mas mahal kasi nagpapatong sila ng mga P100 hanggang P200 dun sa normal na presyo ng ticket. Processing fee daw or something. Meron pang ibang dagdag pag ginamit mo credit card. Pero madalas, di ka na kelangan magbiyahe ng malayo papuntang airline ticket office dahil maraming travel agencies na nagkalat sa buong bansa. Meron palagi nyan sa mga malls at kung saan-saan pa. Kung papuntang ibang bansa naman, kadalasan mas mura kung sa travel agency ka bibili. Para sa dagdag kaalaman bakit ganyan, basahin nalang yun matagal ko nang naikwento dito.

Ngayon, at ito ang tinutumbok ko talaga, kung me mali dun sa ticket na binili nyo sa travel agency, hindi ka matutulungan ng airline lalo na pag nasa airport ka na. Ang pwede at kelangan lang mag-kalikot ng ticket na yan ay yung travel agency na binilhan mo ng ticket. Lalo naman sa refund. Wag kang magwala dun sa main office ng airline para makakuha ng refund, dahil doon lang pwede at dapat ipa-refund yan sa travel agency na binilhan mo! Para bang bumili ka ng mansanas sa Rustan’s Makati tapos pag uwi mo sa Fairview ibabalik mo yun mansanas dun sa Rustan’s FCM kasi nagbago isip mo. Ganun?! Hindi pwede yun.

Kaya, kung bumili ka ng ticket sa travel agent, dun sa travel agent makipag-transaction patungkol sa ticket mo. Lalo na kung international ang biyahe mo. In almost all cases, example: mali yun pagkasulat ng pangalan mo, walang maitutulong ang airline kahit maglupasay ka pa!

Ngayon, anong pinagsasabi mo na madaming ticket office ang mga airline? Hindi ha?! Kunwari ang Air Philippines, 5 lang sa buong Metro Manila – sa Cubao(EDSA), Domestic Road, Naia 3, Makati (Charter House) and Manila (Faura). Cebu Pacific? 4 nga lang eh – Terminal 3, Domestic Terminal, Robinson’s Galleria at Robinson’s Place (Malate). Lahat ng iba pang makitaan mo ng logo nila, travel agency yun.

Pero me tip ako, kadalasan walang pila sa mga travel agency while dun sa mga ticket office ng airline halos buong araw ka maghihintay. Nge!

Aw, ganun din ang kabaligtaran ha? Kung binili mo ang ticket mo sa airline mismo or sa internet, wag ka naman magsisisigaw dun sa travel agency sa SM dahil wala silang maitutulong kahit tubuan ka pa ng sungay sa galit hehehe! Ayan Aling Lolita ha?! Nakita ko kasi naghuhuramentado ka dun sa mall eh!

Internet Booking
Eto pa isang kaso, meron akong nabasa sa Facebook ng Cebu Pacific na kung anu-ano ang sinasabi. Reply sya ng reply na kesyo daw fake yung low fares promo dahil ilang araw na sya bumabalikbalik sa iba’t-ibang opisina ng Cebu Pacific eh wala naman daw promo ang sabi doon. Jusko ineng, natuto ka nga mag-internet eh nawala naman ang katiting mong utak. Yun mga promo na yan ay kung nag-internet-booking ka, hindi sa kung saan-saang opisina ka susugod. Hello! Basahin mabuti ang mga promo ha?!

O hanggang dyan muna. Isusunod natin ang ‘Airline’ at ‘Airport’… me pagkakaiba ba?

Comments

  1. Most of the people travel through Private Jets and Charter Plane for the Business as well as for the traveling purpose, because of the facilities, world class services. Thanks for sharing.

    Air charter Charter flights

    ReplyDelete
  2. I enjoyed reading your blog post. Thanks for sharing your experience to us.

    buy and sell philippines

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

THE BOULEVARD, Surigao City

Balantak Falls

THE Ride from Tuguegarao to Sta. Ana