Transacting with Airlines and Travel Agencies
Ehem… for those of you my readers who can’t or won’t be able to understand anything below, its okay, don’t read. That means’s this is not for you… and there’s nothing to miss. Promise! Maiba naman… pipilitin kong isulat ito sa ating sariling wika sa dalawang kadahilanan – 1) para maintindihan ng marami dyan sa tabi-tabi, at 2) para di maintindihan ng mga banyaga dahil maraming mga nakakahiya akong napag-alaman na tatalakayin dito. Okay ha?! Simulan natin… Airline Ticket Office / Travel Agency Opo alam nating lahat, doon tayo bumibili ng ticket para makasakay ng eroplano. Madaling mahanap yan dahil meron mga naka-display na logo ng mga airlines. Kaso po, hindi lahat ng meron malalaking logo ng mga airlines na yan ay mga sariling ticket office nila. Karamihan nyan ay tinatawag na Travel Agency. Pinapayagan silang mag-benta ng ticket kahit hindi sila mga empleyado ng airline. Parang cellphone load kumbaga. Pwede ka po magpa-load dyan sa tindahan ng kapitbahay nyo pero hindi ito nangangahu